29 March 2019

Tingnan natin itong binubuhos ng gobyerno na lakas at panahon sa panggigipit kay Maria Ressa, at ikumpara natin sa lakas at panahong binunuhos nito sa paghabol sa mga nababalitang drug lord na konektado sa Malacanãng. Wag tayong maglokohan, mukhang mas prioridad ng administrasyong Duterte ang paghihiganti sa isang kritiko kaysa pagsugpo sa droga.

Nais ata ng gobyerno na tayo’y takutin at patahimikin. Wag natin ito hayaan. I stand with Maria, who continues to speak truth to power. May araw rin ang mga nagbabaluktot sa batas.###