Hindi makatarungan na ang mga magsasaka pang bumubuhay sa mga Pilipino ang pinapatay ng gobyerno. Kailangan ng masinsin na imbestigasyon dito. Dapat malaman ng taumbayan ang katotohanan sa mga pagpatay na ito, dahil sa ngayon e lumalabas na mukhang may mga anomalya sa ginawang police operation. Lahat tayo ayaw sa krimen, pero batas at hindi bala ang kailangan natin para masugpo iyan.

Nananawagan ako sa gobyerno na bigyang katarungan ang ating mga magsasaka at ang ating mga kababayan. Kung may abuso, dapat may managot. Dapat, pag may sala, may parusa.