2 May 2019

Human rights lawyer and senatorial candidate Chel Diokno led a legal mission for families of victims of extrajudicial killings (EJKs) in Manila Thursday to help document cases of the killings as families seek justice, and said the Supreme Court’s order to release documents related to the drug war was a positive development in this regard.

“Kailangan natin mabigyan ng tulong yung mga naging biktima ng EJK, yung mga biktima ng Tokhang, lalong-lalo na yung mga sinasabi nilang mga nanlaban,” Diokno said in a media interview during the legal mission at Baclaran Redemptorist Church.

Diokno led volunteer lawyers from the Free Legal Assistance Group (FLAG), which he chairs, and Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) for the legal mission, which Brother Jun Santiago helped organize.

Diokno also serves as counsel for Tokhang victims who filed a case in 2017 challenging the legality of the Duterte administration’s war on drugs, saying the government circulars that operationalized it were unconstitutional. Diokno said that while they still have not been furnished with copies, and even as the case is still pending, the Supreme Court’s resolution in connection with their case ordering the release of drug war documents is a good development.

“Ang maganda doon, kahit na hindi nagustuhan ng ating pamahalaan, inutos ng Korte Suprema sa ating gobyerno na dapat ilabas nila lahat ng dokumento tungkol sa war on drugs,” Diokno told the families of victims.

“Mayroon pending instruction ang Supreme Court sa SolGen, kay Solicitor General Calida, na ibigay niya sa amin yung mga dokumentong yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila binibigay at hinihintay namin,” Diokno added.

Diokno said that families are still afraid to pursue justice and file cases against perpetrators of EJKs, especially as they fear they may end up on the drug watchlists next. The veteran human rights lawyer said, however, that while the decision to file cases is up to the families, they will be helping victims document the cases in the meantime, as it is the first step towards justice.

“Talagang malaki yung need na ma-document natin yung mga pangyayari kasi madaling mawala yung mga dokumento, madaling mawala yung mga testigo. At least, kung kilala na natin at mailista na natin ay later on reding-ready na tayo,” he said.

“Tanggap natin na maraming natatakot…
Maaaring ngayon mahihirapan tayong sampahan ng kaso yan. Pero darating at darating yung araw na magkakaroon din tayo ng hustisya,” he told families of victims.

Diokno, who has already been leading legal missions for EJK victims with FLAG since late 2017, said he is ready to help families find justice.

“Noon pa pong nagsimula itong tinatawag nilang war on drugs, 2016, ako’y nababahala na sa ginagawa ng ating pamahalaan. Kami po ay isa sa pinakaunang nagsalita laban sa ginagawa nilang Tokhang, dahil noong panahon na yon ay halos lahat ay natatakot magsalita,” Diokno said.

“Ako’y hindi lang nalulungkot kundi nagagalit din, dahil parang wala silang paki sa buhay. Wala silang paki sa tamang proseso. Wala silang paki kung talagang may kinalaman yung napatay sa droga o hindi. At kahit sabihin natin na may kinalaman yon ay dapat, diba, sampahan ng kaso? Hindi naman dapat papatayin,” he said.

“Dapat magkaroon ng pananagutan yang mga yan, at makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat ng kaya naming gawin para mangyari at dumating yung araw ng pananagutan,” Diokno said.

***

Diokno, nanguna sa legal mission para tulungan ang mga pamilya ng biktima ng tokhang

Nanguna ang human rights lawyer at kandidato sa pagkasenador na si Chel Diokno sa isang legal mission o pagbibigay ng libreng tulong legal para sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJKs) sa Maynila nitong Huwebes para tulungan ang mga pamilyang naghahanap ng hustisya sa pagdokumento sa mga kaso ng patayan. Ayon kay Diokno, magandang hakbang rin para dito ang naging utos ng Korte Suprema na ilabas ng gobyerno lahat ng dokumento tungkol sa war on drugs.

“Kailangan natin mabigyan ng tulong yung mga naging biktima ng EJK, yung mga biktima ng Tokhang, lalong-lalo na yung mga sinasabi nilang mga nanlaban,” sabi ni Diokno sa isang panayam sa legal mission na ginawa sa Baclaran Redemptorist Church.

Kasama ni Diokno ang mga abogado mula sa Free Legal Assistance Group (FLAG), kung saan siya nagsisilbing Chair, at sa Initiatives for Dialogue and Empowerment through Alternative Legal Services (IDEALS) para sa legal mission, na inorganisa sa tulong ni Brother Jun Santiago.

Si Diokno rin ang abogado ng mga biktima ng Tokhang na nagsampa ng kaso noong 2017 na nagsasabing labag sa batas ang giyera kontra droga ng administrasyong Duterte, dahil labag umano sa Konstitusyon ang mga memorandum circular na naging basehan nito. Ani Diokno, kahit hindi pa nila natatanggap ang mga dokumentong ito at nakasalang pa sa Korte Suprema ang kaso, ang utos nito kaugnay ng kanilang kaso na ilabas ang mga dokumento ng Tokhang ay magandang hakbang.

“Ang maganda doon, kahit na hindi nagustuhan ng ating pamahalaan, inutos ng Korte Suprema sa ating gobyerno na dapat ilabas nila lahat ng dokumento tungkol sa war on drugs,” sabi ni Diokno sa mga pamilyang nabiktima ng EJK.

“Mayroon pending instruction ang Supreme Court sa SolGen, kay Solicitor General Calida, na ibigay niya sa amin yung mga dokumentong yon. Hanggang ngayon, hindi pa rin nila binibigay at hinihintay namin,” dagdag pa niya.

Ayon kay Diokno, maraming pamilya ang takot pang habulin at kasuhan ang mga salarin ng EJK, lalo’t dahil takot sila na kanilang pangalan naman ang isama sa mga drug watchlist. Ayon sa respetadong abogado, nasa mga pamilya mismo ang desisyon kung magsasampa sila ng kaso, pero sa ngayon ay tutulungan muna nilang madokumento ang mga kaso ng patayan dahil ito ang unang hakbang tungo sa katarungan.

“Talagang malaki yung need na ma-document natin yung mga pangyayari kasi madaling mawala yung mga dokumento, madaling mawala yung mga testigo. At least, kung kilala na natin at mailista na natin ay later on reding-ready na tayo,” sabi niya.

“Tanggap natin na maraming natatakot…maaaring ngayon mahihirapan tayong sampahan ng kaso yan. Pero darating at darating yung araw na magkakaroon din tayo ng hustisya,” sabi ni Diokno sa mga pamilya.

Ayon kay Diokno, na 2017 pa lamang ay nangunguna na sa mga legal mission para sa mga pamilyang biktima ng EJK kasama ang FLAG, handa siyang tulungan ang mga pamilya na makamit ang hustisya.

“Noon pa pong nagsimula itong tinatawag nilang war on drugs, 2016, ako’y nababahala na sa ginagawa ng ating pamahalaan. Kami po ay isa sa pinakaunang nagsalita laban sa ginagawa nilang Tokhang, dahil noong panahon na yon ay halos lahat ay natatakot magsalita,” ani Diokno.

“Ako’y hindi lang nalulungkot kundi nagagalit din, dahil parang wala silang paki sa buhay. Wala silang paki sa tamang proseso. Wala silang paki kung talagang may kinalaman yung napatay sa droga o hindi. At kahit sabihin natin na may kinalaman yon ay dapat, diba, sampahan ng kaso? Hindi naman dapat papatayin,” dagdag pa niya.

“Dapat magkaroon ng pananagutan yang mga yan, at makakaasa po kayo na gagawin namin ang lahat ng kaya naming gawin para mangyari at dumating yung araw ng pananagutan,” sabi ni Diokno.

###

Atty Chel Diokno at the Legal Mission held at the Baclaran Redemptorist Church
Atty Chel Diokno at the Legal Mission held at the Baclaran Redemptorist Church