29 March 2019

Kabisado na natin ang script  ng gobyernong Duterte – kapag may eskandalo sa kanilang hanay, gagawa sila ng ibang kontrobersiya para matabunan ang kasalanan nila.

Ginawa nila ito noong naisiwalat ang Davao Death Squad, noong may nakalusot na bilyun-bilyong pisong halaga ng shabu sa customs, noong nagkaroon ng ugnayan ang drug industry at si Paolo Duterte, at marami pang iba.

Ayaw nilang pagusapan ang isiniwalat ni Acierto sa ugnayan nila Bong Go, Michael Yang, Allan Lim, at ng mga drug lords na hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli at nasusugpo ng Palasyo.

Sa loob ng dalawang araw, na-clear agad ng PNP ang mga sangkot sa kaso kahit walang ginagawang pormal na imbestigasyon kasama ng ibang kagawaran ng gobyerno. Ibang klaseng atensyon ang ibinibigay nila kay Maria Ressa para pagtakpan ang mga kontrobersiyang ito.

Desperado na ang Malakanyang para pagtakpan ang kanilang kampo, lalo na dahil isa sa mga kandidato nila ay mukhang ka-alyado na naman ng mga kriminal.

Sa tapang ni Pangulong Duterte, magtataka ka na lang talaga kung bakit ang mga kritiko ay pinapakulong, pero iyong mga kriminal ay malaya at mga kaibigan nila.###