3 May 2019

Dapat linawin ng DOJ kung ano ang kasalanan ni Mr. Jayme. Siya ba ang gumawa ng Bikoy videos o nag-share lang siya? Korte Suprema na ang nagsabi na hindi pwedeng parusahan ang isang tao dahil sa simpleng pag-share lang.

Ngayon, kung si Mr. Jayme ang gumawa ng mga video, ibang usapan na yan. Kung dadaan sa tamang proseso, titingnan ng korte ang mga video ni Bikoy, at kikilatisin kung katotohanan ang mga pinapakita dyan.

Kung gawa-gawa lang ang mga paratang sa mga video, dapat lang parusahan ang mga gumawa nito. Pero kung totoo ang sinasabi, hindi kasalanan yan, at ang mga inaakusahan sa video naman ang mananagot sa taong bayan. Money laundering at drug trafficking ang kaso.

No matter how you look at it, the allegations made by Bikoy will now be investigated. Kaya tututukan natin ang kasong ito.

###