3 May 2019

On updates on Bikoy videos

ERIN TAÑADA: ‘Yung tanong ‘yung usapin ba sa video ay makakaapekto ba sa buhay ng mga magsasaka? Hindi. Ang makakaapekto po dito ay kung paano nila lalabanan ang kahirapan hindi lamang dito sa probinsya ng Quezon kundi sa iba’t-ibang mga probinsya kung saan may taniman ng niyog, may taniman ng palay. Ito ‘yung kailangang pag-usapan.


On World Press Freedom Day

SAMIRA GUTOC: Nakikiisa ako sa mga journalists who continue to live under threat. The mere arrest of –the major fact of arrest of an editor-in-chief of a major organization in the country sa Pilipinas, si Maria Ressa, on anti-dummy threats na ang isyu naman natin is better tax collection, and the SEC should be guiding Rappler and all other organizations to better comply with their rules. It sends a chilling effect. And so tayong mga journalists, tayong mga reporters continue, should protest the President’s actions on clamping on the deaths of lawyers, the deaths of reporters in Mindanao, in the provinces. So World Press Freedom Day is a day for protest sa mga killings of civilians, farmers in Negros, reporters, judges, and lawyers.

ROMY MACALINTAL: I’m sure the President as a lawyer knows under the Constitution the idea of press freedom. And the celebration of this historic day, I think the President should give more respect sa freedom of the press. ‘Yung mga nangyayaring mga pagbabanta sa ating mga journalists ay dapat iwasan na ‘yan. Dapat bigyan natin ng respeto ang mga journalists natin. As a matter of fact, in my case, I still call upon ang mga media men, I don’t know if you have already exercised your right to suffrage, your advance voting rights, ‘yung advance voting rights of our Filipino media employees or mediamen, ‘yung pagboto niyo po nang maaga, ‘yan po ay ipinagtanggol natin sa Commission on Elections. So I’d like to congratulate all members of the press for this celebration of this very historic day, your Press Freedom Day.

TAÑADA: Sa akin po naman, alam naman po natin na press freedom is being attacked not only here in the country but also in the other countries in the world. Ang importante po dito ay patuloy na nakikibaka ang ating mga kaibigan sa media na ilabas ang katotohanan dahil ang laban po dito ay katotohanan laban sa kasinungalingan. At kung tayo po ay naniniwala sa isang demokrasya, kailangan pinapangalagaan po natin at ipinaglalaban po natin ang karapatan ng mga mamamahayag na maglabas ng katotohanan na istorya dito sa ating bansa.

GUTOC: ‘Wag gamitin ang kapangyarihan ng Presidente na manakot, na mag-revoke ng prangkisa ng ABS or Inquirer o ng kung sino. ‘Wag niyong gamitin ang kapangyarihan natin, President to instil fear in revoking the franchise of major, long institutions that have been with us since People Power EDSA.

###